Deskripsyon ng Kurso: Pag-unawa sa pinagmulan at pag-unlad ng sariling
lalawigan at rehiyon kasama ang aspektong pangkultura,
pampulitika, panlipunan at pangkabuhayan gamit ang malalim na
konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago, interaksyon ng tao
at kapaligirang pisikal at sosyal.
I- Layunin: 1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolo na ginagamit sa mapa sa
tulong ng panuntunan
2. Nasusuri ang kinalalagyan ng mga lalawigan ng sariling rehiyon batay sa
mga nakapaligid dito gamit ang pangunahing direksiyon
3. Nasusuri ang katangian ng populasyon ng iba’t ibang pamayanan sa
sariling lalawigan batay sa edad, kasarian, etnisidad, at relihiyon
4. Nasusuri ang iba’t ibang lalawigan sa rehiyon ayon sa mga katangiang
pisikal at pagkakakilanlang heograpikal nito gamit ang mapang topogra-
piya ng rehiyon
5. Natutukoy ang pagkakaugnay-ugnay ng mga anyong lupa at tubig sa
mga lalawigan ng sariling rehiyon
6. Nakagagawa ng payak na mapa na nagpapakita ng mahahalagang an-
yong lupa at anyong tubig sa sariling lalawigan at mga karatig na lalawi-
gan nito
7. Natutukoy ang mga lugar na sensitibo sa panganib batay sa lokasyon
at topograpiya nito
8. Naipaliliwanag ang wastong pangangasiwa ng mga pangunahing likas
na yaman sa sariling lalawigan at rehiyon
9. Nakabubuo ng interpretasyon ng kapaligiran ng sariling lalawigan at
karatig na mga lalawigan ng rehiyon gamit ang mapa
II- Paksa: 1. Ang mga Mapa at Simbolo nito
- kahulugan ng simbolo na ginagamit sa mapa
2. Ang Kinaroroonan ng Ating Lalawigan ayon sa Batayang Pangheograpiya
- kinalalagyan ng lalawigan sa sariling rehiyon
3. Katangian ng Populasyon
- katangian ng populasyon batay sa edad, kasarian, etnisidad at relihiyon
4. Pisikal na Katangian ng Pilipinas: Anyong Lupa
- mga uri ng anyong lupa sa kinabibilangang lalawigan at rehiyon
5. Pisikal na Katangian ng Pilipinas: Anyong Tubig
- mga uri ng anyong tubig sa kinabibilangang lalawigan at rehiyon
III- Batayan sa Pagmamarka:
Awtput na Pasulat…………………………………………………….30%
Pagtataya sa Nagawa………………………………………………50%
Markahang Pagsusulit……………………………………………..20%
100%