IKALAWANG KAPAT
BALANGKAS NG PAGKASUNOD-SUNOD
Deskripsyon ng Kurso: Pag-unawa sa pinagmulan at pag-unlad ng sariling lalawigan at rehiyon kasama ang aspektong pangkultura, pampulitika, panlipunan at pangkabuhayan gamit ang malalim na konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago, interaksyon ng tao at kapaligirang pisikal at sosyal.
Layunin: Sa Yunit na ito inaasahan ang mga mag-aaral na:
a. nauunawaan ang kasaysayan ng kinabibilangang rehiyon;
b. nasasabi ang pinagmulan ng lalawigan ayun sa kuwento at ayon sa batas;
c. naisasalaysay ang mga pagbabago ng sariling lalawigan sa rehiyon;
d. nauunawaan ang kahulugan ng mga simbolo at sagisag na nagpapakilala sa lalawigan sa sariling rehiyon;
e. natatalakay ang official hymn at iba pang sining na nagpapakilala sa sariling lalawigan;
f. naipagmamalaki ang mga bayani na nagmula sa kinabibilangang lalawigan;
g. nakasusulat ng payak na kuwento tungkol sa lalawigan ng kinabibilangang rehiyon na naging katangi-tangi sa sarili.
PAKSA:
Klima sa Pilipinas
Pinagmulang Kasaysayan ng Kinabibilangang Lalawigan
Mga Pagbabago sa Aking Lalawigan
Simbolo ng mga Lalawigan
Ang mga Bayani ng Sariling Lalawigan at Rehiyon
BATAYAN SA PAGMAMARKA:
Awtput na Pasulat————————– 30%
Pagtataya sa Nagawa———————–50%
Markahang Pagsusulit———————20%
Kabilogan 100%
References: ARALING PANLIPUNAN PILIPINAS: PINAGPALANG BAYANG SINILANGAN 3