BALANGKAS NG PAGKASUNOD-SUNOD
IKATLONG KAPAT
ARALING PANLIPUNAN 3
Deskripsyon ng Kurso: Pag-unawa sa pinagmulan at pag-unlad ng sariling lalawigan at rehiyon kasama ang aspektong pangkultura, pampulitika, panlipunan at pangkabuhayan gamit ang malalim na konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago, interaksyon ng tao at kapaligirang pisikal at sosyal.
Layunin: Sa Yunit na ito inaasahan ang mga mag-aaral na:
a. naibibigay ang kahulugan ng sariling kultura;
b. naipaliliwanag ang mga salik heograpikal na nakakaimpluwensiya sa uri ng pamumuhay ng mga lalawigan at rehiyon;
c. nailalarawan ang pagkakakilanlang kultural ng kinabibilangang pamayanan;
d. napahahalagahan ang iba’t ibang pangkat ng tao sa lalawigan at rehiyon;
e. nailalarawan ang mga kaugalian, paniniwala, at tradisyon ng sariling lalawigan at ng rehiyon; at
f. nakagagawa ng isang payak na mapang kultural na nagpapakilala ng kultura ng iba’t ibang lalawigan sa rehiyon.
PAKSA:
Pamanang Kultura ng Ating Lahi
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima ng Pilipinas
Natatanging Kultura sa Aming Lalawigan o Rehiyon
Mga Pangkat ng Tao sa Lalawigan o Rehiyon
Mga Kaugalian, Tradisyon, at Paniniwala
Ang Mapang Kultural ng Aking Rehiyon
BATAYAN SA PAGMAMARKA:
Awtput na Pasulat————————– 30%
Pagtataya sa Nagawa———————–50%
Markahang Pagsusulit———————20%
Kabuuan 100%
References: ARALING PANLIPUNAN PILIPINAS: PINAGPALANG BAYANG SINILANGAN 3