BALANGKAS NG PAGKAKASUNOD-SUNOD
IKALAWANG KAPAT
Deskripsyon ng Kurso:
Pagkatapos ng Unang Baitang, inaasahang nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pasalita at di-pasalitang paraan ng pagpapahayag at nakatutugon nang naaayon. Nakakamit ang mga kasanayan sa mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o nibel at kaugnay ng kanilang kultura.
I. Mga Layunin:
Pagkatapos ng ikalawang markahan, malilinang sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na kompetensi:
A. Pagbasa
- nakasasagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang pabula;
- naipahahayag ang dating kaalaman sa isang bagay;
- nasasabi ang mensahe ng isang babala, at
- naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan.
B. Wika
- naisusulat ang malaki at maliit ang unang titik/tunog ng nakalarawan;
- napapantig ang mga salita/ nabibilang ang pantig sa isang salita;
- nagagamit ang malaking titik ayon sa pangangailangan;
- natutukoy ang uri ng pangngalan; at
- nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangngalan ng tao, lugar, hayop, bagay, at pangyayari.
II. Nilalaman
A. Pagbasa
- Problema sa Basura
- Ang Mundo
- Ang Dalawang Bata
B. Wika
- Pagkakasunod-sunod ng mga Titik ng Makabagong Alpabetong Filipino
- Pantig
- Gamit ng Malaking TitiK
- Ang Pangangalan
- Uri ng Pangngalan
III. Pamantayan sa Pagmamarka:
Awtput na Pasulat ———— 30%
Pagtataya sa Nagawa ———— 50%
Markahang Pagsusulit ———— 20%
__________________
Kabuuan ———— 100%
References: Pinagyamang Pluma 1 at Vinta 1