BALANGKAS NG PAGKAKASUNOD-SUNOD
Deskripsyon ng Kurso:
Pagkatapos ng Unang Baitang, inaasahang nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pasalita at di-pasalitang paraan ng pagpapahayag at nakatutugon nang naaayon. Nakakamit ang mga kasanayan sa mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o nibel at kaugnay ng kanilang kultura.
I.Mga Layunin:
Pagkatapos ng ikatlong markahan, malilinang sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na kompetensi:
A.Pagbasa
1. nasasagot ang mga tanong tungkol sa
napakinggan;
2. naiuugnay ang sariling karanasan sa
napakinggang akda;
3. natutukoy ang kapamilyang nasa larawan; at
4. nagagamit ang naunang kaalaman o
karanasan sa pag-unawa ng napakinggang
alamat.
B. Wika
1. nakikilala ang pangngalan sa pangungusap
at naibibigay ang kasarian nito;
2. natutukoy ang kailanan ng pangngalan;
3. nagagamit ang mga salitang pamalit sa ngalan
ng tao (ako, ikaw, siya); at
4. nakapagsasalaysay ng orihinal na kuwento na
kaugnay ng napakinggang kuwento.
II. Nilalaman
A. Pagbasa
1. Ang Aklat ni Juanna
2. Ang Aking Pamilya
3. Alamat ng Paglikha sa Mundo
4. Alamat ng Singkamas
B. Wika
1. Kasarian ng Pangngalan
2. Kailanan ng Pangngalan
3. Ako, Ikaw, Siya (Panghalip)
4. Kami, Tayo, Kayo, Sila (Panghalip)
III. Pamantayan
Awtput na Pasulat ———— 30%
Pagtataya sa Nagawa ———— 50%
Marahang Pagsusulit ———— 20%
________________________
Kabuuan ———— 100%
Reference: Pinagyamang Pluma 1