BALANGKAS NG PAGKAKASUNOD-SUNOD
Deskripsyon ng Kurso:
Pagkatapos ng Unang Baitang, inaasahang nasasabi ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinggan, nagagamit ang mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong paglilipon ng mga salita at maayos na nakasusulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o nibel at kaugnay ng kanilang kultura.
I.Mga Layunin:
Pagkatapos ng ikatlong markahan, malilinang sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na kompetensi:
A.Pagbasa
1. nakasusunod sa nakasulat na panuto;
napakinggan;
2. nababasa ang mga salitang madalas na
makita sa paligid;
3. nakasasagot sa mga tanong tungkol sa
nabasang kuwento; at
4. naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
B. Wika
1. nakapaglalarawan ng mga bagay, tao,
pangyayari at lugar;
2. nakikilala ang pinakaangkop na salitang
panlarawan para sa bawat pangungusap;
3. natutukoy ang uri ng pang-abay sa
pangungusap;
4. natutukoy ang pang-ugnay sa pangungusap;
at
5. nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok sa
usapan at gawaing pampanitikan.
II. Nilalaman
A. Pagbasa
1. Ang Kalabaw sa Balon
2. Ang Batong Sagabal
3. Ang Tsinelas ni Jose
4. Alamat ng Pinya
B. Wika
1. Pang-uri at Dalawang Uri Nito
2. Kaantasan ng Pang-uri
3. Pang-abay at Uri Nito
4. Pang-ugnay (at, o, at kung)
III. Pamantayan
Awtput na Pasulat ———— 30%
Pagtataya sa Nagawa ———— 50%
Marahang Pagsusulit ———— 20%
________________________
Kabuuan ———— 100%
Reference: Pinagyamang Pluma 2