BALANGKAS NG PAGKAKASUNOD-SUNOD
UNANG KAPAT
Deskripsyon ng Kurso:
Pagkatapos ng Ikalawang Baitang, inaasahang nasasabi ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinggan, nagagamit ang mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong paglilipon ng mga salita at maayos na nakasusulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o nibel at kaugnay ng kanilang kultura.
I. Mga Layunin
Pagkatapos ng unang markahan, malilinang sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na kompetensi:
A. Pagbasa
1. nakagagamit ng personal na karanasan sa paghinuha ng mangyayari sa nabasang teksto;
2. nakasasagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento batay sa tunay na pangyayari;
3. napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paghanap ng maikling salitang matatagpuan sa loob ng isang mahabang salita; at
4. nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga parirala at pangungusap gamit ang mga salitang natutuhan sa aralin.
B. Wika
1. nakikilala ang mga salitang may klaster;
2. nakikilala ang mga salitang payak, maylapi, inuulit, at tambalan na ginamit sa pangungusap;
3. natutukoy ang mga pangngalang ginamit sa pangungusap;
4. natutukoy ang mga pangngalang pantangi at pambalana sa pangungusap; at
5. matutukoy ang pangngalang may naiibang kasarian.
II. Nilalaman
A. Pagbasa
1. Si Pepe at ang Kanyang Aklat
2. Isang Sorpresa
3. Ang Bata at ang Puno
4. Isang Naiibang Baksyon
B. Wika
1. Pagbati at Ang Mga Kambal-Katinig o Klaster
2. Kayarian ng mga Salita
3. Pangngalan at Dalawang Uri Nito
4. Kasarian ng Pangngalan
III. Pamantayan sa Pagmamarka:
Lingguhang Awtput na Pasulat ———— 30%
Pagtataya sa Nagawa ———— 50%
Markahang Pagsusulit ———— 20%
__________________
Kabuuan ———— 100%
References: Pinagyamang Pluma 2 at Vinta 2