BALANGKAS NG PAGKAKASUNOD-SUNOD
Deskripsyon ng Kurso:
Pagkatapos ng Ikatlong Baitang, inaasahang nasasabi ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinggan, nagagamit ang mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong paglilipon ng mga salita at maayos na nakasusulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o lebel at kaugnay ng kanilang kultura.
I.Mga Layunin:
Pagkatapos ng ikatlong markahan, malilinang sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na kompetensi:
A.Pagbasa
1. napagyayaman ang talasalitaan sa
pamamagitan ng paggamit ng
magkasingkahulugan at magkasalungat na
mga salita;
2. nasasagot ang mga tanong tungkol sa
binasang teksto;
3. nagagamit ang naunang kaalaman sa pag-
unawa ng nabasa o napakinggang teksto; at
4. nababaybay nang wasto ang mga salitang
natutuhan sa aralin.
B. Wika
1. nakikilala ang pandiwang ginamit sa
pangungusap;
2. natutukoy ang pandiwang may naiibang
aspekto;
3. nakapaglalarawan ng mga tao, hayop, bagay,
at lugar sa pamayanan; at
4. nakikilala ang mga pang-uring panlarawan at
pamilang.
II. Nilalaman
A. Pagbasa
1. Ang Kuwento ng Dalawang Buto
2. Ang Musika sa Lumang Bahay
3. Ang Krayolang Itim
4. Kaibigan Ko Si Jeremy
B. Wika
1. Pandiwa
2. Aspekto ng Pandiwa
3. Pang-uri
4. Uri ng Pang-uri
III. Pamantayan
Awtput na Pasulat ———— 30%
Pagtataya sa Nagawa ———— 50%
Marahang Pagsusulit ———— 20%
________________________
Kabuuan ———— 100%
Reference: Pinagyamang Pluma 3