BALANGKAS NG PAGKAKASUNOD-SUNOD
UNANG KAPAT
Deskripsyon ng Kurso
Pagkatapos ng Ikatlong Baitang, inaasahang nasasabi na ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinngan at nakapagbibigay ng kaugnay o katumbas na teksto, nagagamit ang mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong palipon ng mga salita at maayos na nakasulat gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o lebel at kaugnay ng kanilang kultura.
I. Mga Layunin:
Pagkatapos ng unang markahan, malilinang sa mga mag-aaral ang
mga sumusunod na kompetensi:
A. Pagbasa
1. natutukoy ang kahulugan ng di-pamilyar/bagong salita batay sa gamit nito sa pangungusap;
2. nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasa;
3. nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto; at
4. naibibigay ang sariling hinuha bago, habang, at pagkatapos mapakinggan ang teksto.
B. Wika
1. nakikilala ang mga pangngalang ginamit sa pangungusap;
2. nakikilala ang mga pangngalang pantangi at pambalana;
3. nakikilala sa pangungusa ang pangngalan ayon sa konsepto nito; at
4. nagagamit ang angkop na pangngalang bubuo sa diwa ng pangungusap.
II. Nilalaman
A. Pagbasa
- Alamat ng Makahiya
- Hindi Malilimutang Field Trip/Mga Pag-iingat sa Loob ng Bahay
- Ang Matanda sa Dyip
- Dahil sa Sakit ni Lally
B. Wika
- Pangngalan
- Dalawang Uri ng Pangngalan
- Pangngalang Basal at Tahas
- Kasarian ng Pangngalan
III. Pamantayan sa Pagmamarka
Lingguhang Awtput na Pasulat ———————————- 30%
Pagtataya sa Nagawa ———————————- 50%
Markahang pagsusulit ———————————- 20%
__________________
Kabuuan 100%
References: Pinagyamang Pluma 2 at Vinta 2