I. Deskripsiyon ng kurso:
Ang kursong ito ay lumilinang ng kakayahan sa pagbasa, pagsulat at pakikipagtalastasan nang wasto upang maipahayag ang kaalaman, ideya at damdaming angkop sa kaniyang edad at sa kulturang kinabibilangan at nakikilahok sa pagpapaunlad ng pamayanan
II. Mga Layunin:
Pagkatapos ng ikatlong markahan, malilinang sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na kompetens:
A. Pagbasa
- naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon;
- nasasagot ang mga tanong na bakit at paano batay sa tekstong binasa;
- naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto; at
- napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan sa pamamagitan ng paggamit ng una, pangalawa, sumunod at panghuli.
B. Wika:
- nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan;
- nakikilala ang pang-abay na pamaraan, pamanahon, panlunan sa pangungusap; at
- nagagamit nang wasto at angkop ang pangatnig at pang-angkop sa pangungusap.
III. Mga Nilalaman:
A. Pagbasa:
Maikling Kuwento
Talambuhay
Tulang Nagsasalaysay
Maikling Kuwento
Maikling Kuwento
Pabula
B. Wika:
Pang-abay
Pang-abay na Pamaraan
Pang-abay na Pamanahon
Pang-abay na Panlunan
Pang-ugnay (Pangatnig)
Pang-ugnay (Pang-angkop)
IV. Pamantayan sa Pagmamarka:
Awput na pasulat —————————-30%
Pagtataya sa Nagawa———————–50%
Markahang Pagsusulit ———————-20
Kabuuan ————————————-100%