Deskripsiyon ng kurso:
Ang kursong ito ay lumilinang ng kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at, pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang teksto/ babasahing lokal at pambansa.
I. Mga Layunin:
Pagkatapos ng ikatlong markahan, malilinang sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na kompetens:
A. Pagbasa
- nagbibigay ang mga salitang magkakasalungat at magkakasingkahulugan;
- napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan (kronolohikal na pagsusunod-sunod);
- naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan, at
- Nasasagot ang mga tanong sa binasa/napakinggang kuwento, tula, alamat at parabula.
B. Wika
- nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos, at nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan;
- nagagamit nang wasto ang pang-angkop sa pakikipagtalastasan; at
- nasasabi ang simuno at panag-uri sa pangungusap.
II. Mga Nilalaman:
A. Pagbasa
- Maikling Kuwento
- Tula
- Alamat
- Maikling Kuwento
- Parabula
- Tula
B. Wika
- Pang-abay at Mga Uri Nito ( Pamaraan, Panlunan , Pamanahon)
- Iba Pang Uri ng Pang-abay ( Panang-ayon, Pananggi, Pang-agam)
- Iba Pang Uri ng Pang-abay ( Ingklitik, Kondisyonal, Kusatibo)
- Pagkakaiba ng Pang-uri at Pang-abay
- Pang-ugnay ( Pang-angkop, Pang-ukol, Pangatnig)
- Parirala, Sugnay at Pangungusap
III. Pamantayan sa Pagmamarka:
- Awput na pasulat —————————-30%
- Pagtataya sa Nagawa————————50%
- Markahang Pagsusulit ———————–20
Kabuuan ————————————-100%
Gng. Juanita J. Calantas
Subject Content
Expand All