Subject
Materials
Deskripsiyon ng kurso:
Ang kursong ito ay lumilinang ng kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at, pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang teksto/ babasahing lokal at pambansa.
I. Mga Layunin
Pagkatapos ng unang markahan, malilinang sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na kompetens:
A. Pagbasa
- nasasagot ang mga tanong sa napakinggan o nabasang kwento;
- naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di pamilyar na mga salita sa pamamagitan ng tono o damdamin, paglalarawan , kayarian ng mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang diin at tambalang salita; at
- naiuugnay ang sariling karanasan sa pagbasa upang mahikayat ang iba na magbasa ng iba’t ibang akda.
B. Wika
- nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at mga panghalip sa pagtatalakay sa sarili, sa mga tao, sa hayop, lugar at pangyayari sa paligid; sa usapan; at sa paglalahad sa sariling karanasan.
II. Mga Nilalaman
A. Pagbasa
- Maikling Kuwento
- Sanaysay
- Tula
- Talambuhay
- Maikling Kuwento
B. Wika
- Uri ng Pangngalan Ayon sa Katangian at Tungkulin
- Kasarian ng Pangngalan
- Gamit ng Pangngalan
- Kaukulan ng Pangngalan
- Panghalip Panao, Pamatlig , Panaklaw at Pananong
III. Pamantayan sa Pagmamarka:
- Awput na pasulat —————————-30%
- Pagtataya sa Nagawa————————50%
- Markahang Pagsusulit ———————–20
- Kabuuan ————————————-100%
Gng. Juanita J. Calantas