I. Deskripsyon ng Kurso:
Ang kursong ito ay lumilinang ng kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa wika, panitikan at kultura upang makaambag sa pag-unlad ng bansa.
II. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng ikatlong markahan, malilinang sa mag-aaral ang pag-unawa sa mga akda sa pamamagitan ng sumusunod na kompetens:
A. Pagbasa
naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin at kultura ng may akda ng tekstong napakinggan o nabasa;
napapahalagahan ang mga tekstong pampanitikan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa usapan at gawaing pampanitikan;
naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang makahikayat ng pagmamahal sa pagbasa ng panitikan; at
napatutunayan ang mensaheng inihahatid ng teksto.
B. Wika
- naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito; at
- nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon.
III. Nilalaman
A. Pagbasa
Alamat
Talaarawan
Maikling Kwento
Mitolohiya
Tula
B. Wika
Pagkakaiba ng Pang-abay at Pang-uri
Uri ng Pang-abay
Pang-ugnay
Pagbabaybay ng mga Salita
IV. Batayang Pagmamarka
Awtput na Pasulat ———————— 30%
Pagtataya sa Nagawa ———————— 50%
Markahang Pagsusulit ———————— 20%
Kabuuan ———————— 100%