I. Deskripsyon ng Kurso:
Ang kursong ito ay lumilinang ng kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa wika, panitikan at kultura upang makaambag sa pag-unlad ng bansa.
II. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng ikaapat na markahan, malilinang sa mag-aaral ang pag-unawa sa mga akda sa pamamagitan ng sumusunod na kompetens:
A. Pagbasa
naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin at kultura ng may akda ng tekstong napakinggan o nabasa;
napapahalagahan ang mga tekstong pampanitikan sa pamamagitan ng paglahok sa mga gawaing kaugnay nito;
naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang makahikayat ng pagmamahal sa pagbasa ng panitikan; at
napatutunayan ang mensaheng inihahatid ng teksto.
B. Wika
naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito; at
nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon.
III. Nilalaman
A. Pagbasa
Maikling Kwento
Sanaysay
Tula
Talambuhay
Dula
Parabula
B. Wika
Bahagi ng Pangungusap
Bahagi ng Pananalita (Simuno at Panaguri)
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit
Uri ng Pangungusap Ayon sa Pagkakabuo o Kayarian
Pangungusap na Walang Paksa
Liham-Pangkaibigan at Liham-Pangangalakal
IV. Batayang Pagmamarka
Awtput na Pasulat ———————— 30%
Pagtataya sa Nagawa ———————— 50%
Markahang Pagsusulit ———————— 20%
Kabuuan ———————— 100%