I. Deskripsyon ng Kurso:
Ang kursong ito ay lumilinang ng kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa wika, panitikan at kultura upang makaambag sa pag-unlad ng bansa.
II. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng ikalawang markahan, malilinang sa mag-aaral ang pag-unawa sa mga akda sa pamamagitan ng sumusunod na kompetens:
A. Pagbasa
1.nailalarawan ang tauhan at tagpuan sa binasang kuwento;
2.naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto;
3.naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-pamilyar na salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon, kasalungat, sitwasyong pinaggagamitan;
4.nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggan/nabasang akda;
5.nagagamit ang pangkalahatang sanggunian ayon sa pangangailangan; at
6.naipakikita ang pag-unawa sa pinanood sa pamamagitan ng pagsasadula ng naibigang bahagi.
B. Wika
1. nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon; at
2. nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwayson;
III. Nilalaman
A. Pagbasa
1.Maikling Kwento
2.Parabula
3.Pabula
4.Sanaysay
5.Pabula
6.Anekdota
B. Wika
1.Aspekto ng Pandiwa
2.Uri ng Pandiwa
3.Pokus ng Pandiwa
4.Pang-uri at Uri Nito
5.Kaantasan ng Pang-uri
6.Gamit ng Bantas
IV. Batayang Pagmamarka
Awtput na Pasulat ———————— 30%
Pagtataya sa Nagawa ———————— 50%
Markahang Pagsusulit ———————— 20%
Kabuuan ———————— 100%