I. Deskripsiyon ng Kurso
Ang layunin ng pagtuturo ng kursong ito ay malinang ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa wika, panitikan at kultura upang makaambag sa pag-unlad ng bansa.
II. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng unang markahan, malilinang sa mag-aaral ang pag-unawa sa mga akda sa pamamagitan ng sumusunod na kompetens:
A. Pagbasa
1. nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang pabula, kwento, tekstong pang-impormasyon at usapan;
2. naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang/nabasang teksto;
3. naibibigay ang kahulugan ng mga pamilyar at di kilalang salita ayon sa konteksto o sa pamamagitan ng gamit sa pangungusap;
4. naipahahayag ang sariling opinyon o reaksiyon sa isang napakinggan o nabasang isyu, balita o usapan;
5. nagagamit ang pangkalahatang sanggunian; at
6. nakagagawa ng jingle na nanghihikayat sa ibang mahalin at igalang ang Inang Kalikasan.
B. Wika
1. natutukoy ang pangngalan at uri nito;
2. nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon; at
3. nagagamit nang wasto ang mga panghalip na panao, pamatlig, panaklaw sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.
III. Nilalaman
A. Pagbasa
1. Pabula
Maikling Kwento
Alamat
Tula
B. Wika
Uri ng Pangngalan Ayon sa Katangian at Konsepto
Gamit ng Pangngalan
Kaukulan ng Pangngalan
Panghalip at Uri ng Panghalip
Panauhan at Kailanan ng Panghalip Panao
Gamit at Kaukulan ng Panghalip
IV. Batayang Pagmamarka
Awtput na Pasulat —————————— 30%
Pagtataya sa Nagawa —————————— 50%
Markahang Pagsusulit —————————— 20%
Kabuuan ———————————————— 100%
V. SANGGUNIAN:
Marasigan, Emily V., Tesalona, Louie C., at Dayag, Alma M., Pinagyamang Pluma 6: Wika at Pagbasa para sa Elementarya, Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc., 2017
https://drive.google.com/file/d/1U2AvKkCxOWwkiaQF8XMRBpnqqfykcXgM/view
https://www.youtube.com/