DESKRIPSYON NG KURSO:
Ang kursong ito ay lumilinang ng kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip at pang-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang rehiyunal upang maipagmalaki ang sariling kultura, gayundin ang iba’t ibang kulturang panrelihiyon.
I. Mga Layunin:
Pagkatapos ng unang markahan, naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao:
naisasalaysay ang buod ng mga pangyayari sa kuwentong napakinggan;
A. naiisa-isa ang mga elemento ng iba’t ibang akda mula sa Mindanaonaisasalaysay nang maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari;
B. naisusulat ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng mga Pilipino;
C. naibabahagi ang isang halimbawa ng napanood na video clip mula sa youtube o ibang website na maaaring magamit
D. nagagamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa ng isang makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo; at
E. nailalahad ang mga hakbang na ginawa sa pagkuha ng datos kaugnay ng binuong proyektong panturismo.
II. Mga Nilalaman
A. Mga Akdang Pampanitikan
1. Kuwentong bayan
2. Pabula
3. Epiko
4. Maiking kuwento
5. Dula
B. WIKA
1. Mga Pahayag na Nagbibigay ng mga Patunay
2. Mga Eskpresyon ng Posibilidad
3. Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi a Bunga
4. Pang-ugnay na Ginagamit sa Panghihikayat
5. Pang-ugnay na Ginagamit sa Paghahayag ng Saloobin
6. Mga Retorikal na Pang-ugnay
7. Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa
III.Pamatayan sa Pagmamarka
Lingguhang Awtput na Pasulat ——————— 30%
Pagtataya sa Nagawa ———————– 50%
Markahang pagsusulit ———————– 20%
Kabuuan ————————100%