IKALAWANG KAPAT
Balangkas na Pagkakasunod-sunod
DESKRIPSYON NG KURSO:
Ang kursong ito ay lumilinang ng kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip at pangunawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang pambansa upang maipagmalaki ang kulturang Pilipino.
I. Mga Layunin:Pagkatapos ng ikalawang markahan, naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Amerika, Komonwelt hanggang sa Kasalukuyan:
A. naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pamapanitikan lumaganap sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt, at sa Kasalukuyan;
B. naibabahagi ang dating kaalaman o karanasang may kaugnayan sa akdang babasahin;
C. nagagamit ang natutuhansa pag-aaral ng mga akdang naisulat sa panahon ng Amerikano, Komonwelt, at sa kasalukuyan sa pagsulat at pagbigkas nng tulang may apat na saknong na tungkol sa pag-ibig sa kapwa , bayan, kalikasan;
D. nagagamit nang wasto ang masining na antas ng wika sa pagsulat ng tula; at
E. nabibigkas nang madamdamin ang tulang isinulat.
II. Mga Nilalaman
A. Mga Akdang Pampanitikan
- Tula
- Balagtasan
- Sarswela
B. Retorika
- Hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat
- Uri ng Panlapi
- Pandiwa at Aspekto Nito
- Mga Paraan ng Pagpapahayag
- Pagbabagong Morpoponemiko
Subject Content
Expand All
Lesson Content
0% Complete
0/3 Steps
Lesson Content
0% Complete
0/4 Steps