DESKRIPSYON NG KURSO:
Ang kursong ito ay lumilinang ng kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip at pangunawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang pambansa upang maipagmalaki ang kulturang Pilipino.
I. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng unang markahan, naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa iba’t ibang panahon:
A. nakikilala ang kahulugan ng mga talinghaga, eupimistiko o masining na pahayag ginamit sa tula,balagtasan,alamat, maikling kuwento, epiko ayon sa: -kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan
B. naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga akda batay sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan;
C. napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda at dating kaalaman kaugnay sa binasa;
D.nakasusulat ng sariling halimbawa ng iba’t ibang akda
E. nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino; at
F. nagagamit ang komunikatibong kasanayan sa paggamit ng wikang Filipino sa isang pananaliksik.
II. Mga Nilalaman
A. Mga Akdang Pampanitikan sa Panahon ng Katutubo, Espanyol, at Hapones
1. Karunungang-Bayan
2. Alamat
3. Tula
4. Maikling Kwento
5. Epiko
B. WIKA
- Pang-uri
2. Uri ng Pang-uri
3. Paghahambing
4. Pang-abay
5. Uri ng Pang-abay
6. Mga Eupemistikong Pahayag
7. Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
8. Mga Pahayag sa Pag-aayos ng Dato
III. Pamatayan sa Pagmamarka
Lingguhang Awtput na Pasulat ———————30%
Pagtataya sa Nagawa ———————– 50%
Markahang pagsusulit ————————20%
Kabuuan 100%