BALANGKAS NG PAGKAKASUNOD-SUNOD
Deskripsyon ng kurso:
Ang kursong ito ay lumilinang ng kakayahang komunikatibo,mapanuring pag-iisip,at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyanoupang mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano.
I. Mga Layunin:
Pagkatapos ng ikatlong markahan, malilinang sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na kompetens:
- nabibigyanG-kahulugan ang mga salita batay sa kontekstong pinaggamitan;
- nasusuri ang mga sitwasyon at nasasagot ang mga tanong na bakit at paano;
- nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa: – Tema – Mga tauhan – Tagpuan – Mga mahihiwatigang kaugalian o tradisyon – Wikang ginamit – Pahiwatig o simbolo – Damdamin;
- napatutunayang ang mga pangyayari at/o transpormasyong nagaganap sa tauhan ay maaaring mangyari sa tunay na buhay; at
- nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinhagang pahayag at uri ng tayutay, natutukoy ang damdaming nagpapasidhi sa pangungusap, , natutukoy anh panandang pandiskursog ginamit sa pangungusap, nagagamit ang iba’t ibang uri ng pang-abay at nakikilala ang kaantasan ng pang-uri.
II. Mga Nilalaman
A. Mga Akdang Pampanitikan sa Kanluran at Timog Asya
- Parabula
- Tula
- Maiking Kuwento
- Maikling Kuwento
- Alamat
B. Retorika
- Ang mga Ekspresyong Idyomatiko at Patalinhagang Pagpapahayag o Mga Tayutay
- Mga Kataga / Pahayag sa Pagpapasidhi ng Damdamin
- Panandang Pandiskurso
- Uri ng Pang-abay
- Pang-uri at Kaantasan Nito
III. Pamantayan sa Pagmamarka
- Lingguhang Awtput na Pasulat ———- 30%
- Pagtataya sa Nagawa ———- 50%
- Markahang Pagsusulit ———- 20%
Kabuuan ———- 100%
Gng. Juanita J. Calantas
Subject Content
Expand All