COURSE DESCRIPTION
Naipamamalas ang panimulang pag-unawa sa pagkilala sa sarili at pakikipag-ugnayan sa kapwa bilang pundasyon sa paglinang ng kamalayan sa kapaligirang sosyal.
KINDERGARTEN Araling Panlipunan
Balangkas ng Wastong Pagkakasunud-sunod
Unang Kapat
KINDERGARTEN Araling Panlipunan
I.Mga Layunin:Pagkatapos ng unang kapat ang mga bata ay inaasahang:
1.nakapagpapamalas ng kakayahang kontrolin ang sariling damdamin at pag-uugali,gumawa ng desisyon at magtagumpay sa kanyang mga gawain;
2.nakapagpapamalas ng pagmamalaki at kasiyahang makapagkuwento ng sariling karanasan bilang kabahagi ng pamilya,paaralan at komunidad;at
3.nakapagpapakita ng tamang pagkilos sa lahat ng pagkakataon na may paggalang at pag-sasaalang-alang sa sarili at iba.
II.Mga Paksa
1.Naipapakilala ang Sarili a.pangalan b.apelyedo c,kasarian d.gulang/kapanganakan |
e.gusto at di-gusto
2. Nakakaunawa sa Sariling Ugali at Damdamin
a. Pagpapakita ng pagsunod sa mga alituntunin at gawain sa paaralan at silid-aralan
b.Mga Sariling Pangangailangan
3. Nakikilala ang mga pangunahing emosyon at nakapagpapamalas ng kakayahang kontrolin qng sariling damdamin
a. Mga pangunahing emosyon
III.Pamantayan sa Pagmamarka
Lingguhang Awtput na Pasulat …………………..30 %
Pagtataya sa mga Nagawa………………………….. 50 %
Markahang Pagsusulit …………………………………20 %
Kabuuan……………………………………………………….100 %