KINDERGARTEN Filipino
Unang Kapat
DESKRIPSYON NG KURSO
Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pagpapahayag ng iniiisip at damdamin sa wikang katutubo at ang kahandaan sa pagbasa at pagsulat upang makilala ang sarili at matutong makisalamuha sa kapwa.
KINDERGARTEN Filipino
Unang Kapat
Balangkas ng Wastong Pagkakasunud-sunod
I.Mga Layunin:Pagkatapos ng unang kapat ang mga bata ay inaasahang:
1.nakapagpapamalas ng kakayahang makapagpahayag ng wikang katutubo sa pakikisalamuha o pakikipag-usap;
2.nakapagpapamalas ng pagmamalaki at kasiyahang makapagkuwento tungkol sa sarili bilang kabahagi ng pamilya,paaralan at komunidad;
3.nakapagpapakita ng tamang pagkilos at wastong ugali sa lahat ng pagkakataon na may paggalang at pag-sasaalang-alang sa sarili at iba; at
4.nakapagbibigkas at nakapagbibigay ng wastong tunog ng mga titik sa alpabetong Filipino.
II.Mga Paksa
1. Ang Aking Sarili Pagpapakilala sa Sarili Ang Batang Magalang Mga Magagalang na Pananalita |
2. Mga Kulay at Hugis sa Paligid
3. Mga Tunog sa Paligid |
Wastong Pagsunod sa Direksiyon
4. Ang Aking Paaralan Mga Gamit sa PaaralanMga Lugar sa PaaralanMga Kaibigan sa Paaralan |
5. Ang Alpabeto
- Ang Mundo ng Patinig
- Patinig Aa
- Patinig Ee
6. Patinig Oo at Patinig Uu
7. Ang mga Katinig Katinig MmKatinig SsKatinig Bb |
8. Ang Aking Pamayanan at Mga Salitang Kilos
III.Pamantayan sa Pagmamarka
Lingguhang Awtput na Pasulat …………………..30 %
Pagtataya sa mga Nagawa………………………….. 50 %
Markahang Pagsusulit …………………………………20 %
Kabuuan……………………………………………………….100 %